4 Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon,
ito ang tanging ninanais ko:
na akoʼy manirahan sa kanyang Templo habang akoʼy nabubuhay,
upang mamasdan ko ang kanyang kadakilaan,
at hilingin ang kanyang patnubay.
5 Sa oras ng kagipitaʼy itatago niya ako
sa kanyang Templo,
at ilalagay niya ako
sa ligtas na lugar.