Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 3

1 Panginoon, kay dami kong kaaway;

kay daming kumakalaban sa akin!

2 "Hindi siya ililigtas ng Diyos."

Iyan ang sinasabi ng karamihan tungkol sa akin.

3 Ngunit kayo Panginoon ang aking kalasag.

Pinagtatagumpay ninyo ako,

at ibinabalik ang aking pag-asa.

4 Tumawag ako sa inyo, Panginoon

at sinagot nʼyo ako

mula sa inyong banal na bundok.

5 At dahil iniingatan nʼyo ako,

nakakatulog ako at nagigising pa.

6 Hindi ako matatakot

kahit ilang libo pang kaaway

ang nakapalibot sa akin.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também