1 Mapalad ang isang tao
na ang mga pagsuway
at mga kasalanan ay pinatawad
at kinalimutan na ng Panginoon.
2 Mapalad ang tao na ang kasalanan
ay hindi ibinibintang sa kanya ng Panginoon,
at walang pandaraya sa kanyang puso.
3 Noong hindi ko pa ipinagtatapat
ang aking mga kasalanan,
buong araw akoʼy nanlulumo
at nanghihina ang aking katawan.
4 Araw-gabi, hirap na hirap ako
dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin.32:4 hirap na hirap ako dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin: Sa Hebreo, mabigat ang kamay mo sa akin.
Nawalan na ako ng lakas,
tulad ng natuyong tubig
sa panahon ng tag-araw.
5 Ngunit sa wakas ay ipinagtapat ko
ang aking mga kasalanan sa inyo;
hindi ko na ito itinago pa.
Sinabi ko nga sa sarili ko,
"Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon."
At pinatawad nʼyo ako.
6 Kaya ang lahat ng matapat
ay manalangin sana sa inyo,
habang may panahon pa.
Kung dumating man ang kapighatian
na parang baha,
hindi sila mapapahamak.