25 Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na,
ngunit hindi ko pa nakita kahit kailan
na ang matuwid ay pinabayaan ng Panginoon
o ang kanyang mga anak
ay namalimos ng pagkain.
26 Ang matuwid ay palaging nagbibigay
at nagpapahiram,
at ang kanilang mga anak
ay nagiging pagpapala sa iba.