Pular para o conteúdo
Publicidade

Salmos 37

3 Magtiwala ka sa Panginoon

at gumawa ng mabuti.

Sa gayon ay mananahan ka

nang ligtas sa lupaing ito.

4 Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan,

at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.

5 Ipagkatiwala mo sa Panginoon

ang lahat ng iyong ginagawa;

magtiwala ka sa kanya

at tutulungan ka niya.

6 Ihahayag niya nang malinaw

na ikaw ay matuwid at makatarungan,

kasinliwanag ng sinag ng araw

sa katanghaliang tapat.

Veja também