Pular para o conteúdo
Publicidade

Salmos 51

7 Linisin at hugasan nʼyo ako

sa aking mga kasalanan

upang lubusan luminis ang pusoʼt kaluluwa ko.

8 Ipadama nʼyo sa akin ang kasiyahan

at kaligayahan

upang sa aba kong kalagayan,

ay muli kong makamtan ang kagalakan.

9 Kalimutan nʼyo na ang aking

mga kasalanan,

at burahin ang lahat kong kasamaan.

10 Isang busilak na puso, O Diyos,

ang likhain nʼyo sa akin;

bagong espiritung matapat,

ang ibigay sa akin.

11 Huwag nʼyo po akong itaboy

palayo sa inyong piling,

at huwag nʼyo po sanang bawiin

ang inyong Banal na Espiritu sa akin.

12 Panumbalikin sa akin

ang kagalakang

bunga ng inyong pagliligtas sa akin.

Bigyan nawa ako

ng espiritung masunurin.

Veja também