16 Ngunit ako ay aawit
tungkol sa inyong kapangyarihan.
Tuwing umaga, akoʼy aawit
nang may kagalakan
tungkol sa inyong pag-ibig.
Sapagkat kayo ang aking kanlungan
sa oras ng kagipitan.
17 O Diyos, kayo ang aking kalakasan.
Aawit ako ng mga papuri sa inyo,
dahil kayo ang aking kanlungan
at Diyos na sa akin ay nagmamahal.