Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 96

1 Kayong mga tao sa buong mundo,

umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon!

2 Awitan ninyo ang Panginoon

at purihin ang kanyang pangalan.

Ipahayag ninyo sa bawat araw

ang tungkol sa pagligtas niya sa atin.

3 Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan

sa mga bansa

ang kanyang kapangyarihan

at mga kahanga-hangang gawa.

4 Dahil dakila ang Panginoon,

at karapat-dapat papurihan.

Dapat siyang katakutan nang higit pa

kaysa anumang mga diyos.

5 Sapagkat ang lahat ng diyos ng ibang mga bansa

ay pawang diyos-diyosan lamang.

Ngunit ang Panginoon, siya ang lumikha ng langit.

6 Nasa kanya ang kapangyarihan

at karangalan;

at nasa Templo niya ang kalakasan

at kagandahan.

7 Purihin ninyo ang Panginoon,

kayong lahat ng tao sa mundo.

Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.

8 Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring

nararapat sa kanya.

Magdala kayo ng mga handog

at pumunta sa Templo.

9 Sambahin ninyo ang kabanalan ng Panginoon.

Matakot kayo sa kanya,

kayong lahat ng nasa sanlibutan.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também