10 Isang busilak na puso, O Diyos,
ang likhain nʼyo sa akin;
bagong espiritung matapat,
ang ibigay sa akin.
11 Huwag nʼyo po akong itaboy
palayo sa inyong piling,
at huwag nʼyo po sanang bawiin
ang inyong Banal na Espiritu sa akin.
12 Panumbalikin sa akin
ang kagalakang
bunga ng inyong pagliligtas sa akin.
Bigyan nawa ako
ng espiritung masunurin.