4 Tanging sa inyo lamang ako
tunay na nagkasala.
Di kalugod-lugod sa inyong harapan
ang aking ginawa.
Kaya ang inyong paghuhusga
sa akin ay makatarungan.
Nararapat lamang
na akoʼy inyong hatulan.
5 Tunay ngang akoʼy makasalanan,
mula pa noong akoʼy isilang;
kahit noong akoʼy ipinagbubuntis
pa lamang ng aking ina.
6 Ngunit ang nais nʼyoy
isang pusong tapat
kahit noong akoʼy nasa sinapupunan pa lamang;
pinuspos nʼyo ako
ng karunungan.
7 Linisin at hugasan nʼyo ako
sa aking mga kasalanan
upang lubusan luminis ang pusoʼt kaluluwa ko.
8 Ipadama nʼyo sa akin ang kasiyahan
at kaligayahan
upang sa aba kong kalagayan,
ay muli kong makamtan ang kagalakan.
9 Kalimutan nʼyo na ang aking
mga kasalanan,
at burahin ang lahat kong kasamaan.