8 Ang Panginoon ay mahabagin
at matulungin,
hindi madaling magalit
at sagana sa pagmamahal.
9 Hindi siya palaging nanunumbat,
at hindi nananatiling galít.
10 Hindi niya tayo pinarurusahan
ayon sa ating mga kasalanan.
Hindi niya tayo ginagantihan
batay sa ating pagkukulang.
11 Dahil kung gaano man kalaki
ang agwat ng langit sa lupa,
ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Diyos
sa mga may takot sa kanya.
12 Kung gaano kalayo
ang silangan sa kanluran,
ganoon din niya inilalayo sa atin
ang ating mga kasalanan.