4 Hindi natin ito ililihim sa ating mga anak;
sasabihin natin sa mga susunod na henerasyon
ang kapangyarihan ng Panginoon
at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.
5 Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan kay Jacob;
ginawa niya itong batas ng Israel.
Iniutos niya sa ating mga ninuno
na ituro ito sa kanilang mga anak,
6 upang itoʼy malaman din
ng susunod na henerasyon
at ituturo rin nila sa kanilang mga anak.
7 Sa ganitong paraan, magtitiwala sila sa Diyos
at hindi nila makakalimutan
ang kanyang mga ginawa,
at susundin nila ang kanyang mga utos.