Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 91

1 Ang sinumang nananahan

sa piling ng Kataas-taasang Diyos

na Makapangyarihan

ay kakalingain niya.

2 Ito ang masasabi ko tungkol sa Panginoon,

"Siya ang kumakalinga

at nagtatanggol sa akin.

Siya ang aking Diyos

at sa kanya ako nagtitiwala."

3 Tiyak na ililigtas ka niya

sa bitag ng masasama

at sa mga nakamamatay na salot.

4 Iingatan ka niya

gaya ng pag-iingat ng inahin

sa kanyang mga inakay

sa pamamagitan ng kanyang pakpak.

Ang kanyang katapatan

ang iyong magiging pananggalang

at tanggulan.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também